driving lessons part 4

every once in while, it feels really good to know that someone appreciates you.

i think every girl will agree when i say na masarap yung feeling when someone tells you you have beautiful eyes. or when he asks for a copy of your picture just so he can paint your face. or when he uses a special term of endearment to call you.

i dont know if its because of the adrenalin rush you get when you drive, or just the simple fact that you trusted this person with your life. pero suddenly, you feel as if he has a hold on you.

you'd remember every single detail of the time you spent together. how he would always sing along to rivermaya's you'll be safe here, how he always made you laugh, or how he sort of touched your hand after you almost ran over a pedestrian along commonwealth ave.

and you realize how nice it was to hear him patiently say it's okay everytime the engine dies -- how safe it felt to know you have him right there in the passenger seat.

you start to miss him. you even hope he would be there on your next lecture class. and you wish you had more sundays to drive around while listening to his cds.

so even if it seems cheap or downright wrong to actually have feelings for your driving instructor, you think about the what if's a little more.

and you sort of wish you had given it a chance when you still had time.

kahit hindi ka naman talaga attracted sa kanya dahil feeling mo eh pandak sha.

kahit na there's a possibility he could turn out to be just like every other jerk/creep/maniac out to take advantage of you.

kahit na until now, you still dont know his name.

Saturday, April 16, 2005 @ 1:08 AM


boob job

hindi ko alam kung bakit. pero minsan, para kang pinaglalaruan ng tadhana. para bang merong cosmic conspiracy na pagtripan ang buhay mo. parang wow mali.

nung high school, wala yatang araw na lumipas na hindi ako tinukso tungkol dito. hindi naman ako nag-iisa sa kalagayan kong ito. ang pagkakaalam ko, marami rin akong classmates na underdeveloped. kaya nga hindi ko talaga maintindihan kung bakit parati na lang ako ang napag-iinitan.

tandang-tanda ko pa, 2nd year high school ako nun. dalton. meron akong classmate na walang kasing lupet sa pang-aalaska. itago na lang natin sya sa pangalang ronald ian del mundo. isang araw, tinanong nya ko.


"sa tingin mo, pag wala ka bang paa magsusuot ka ng tsinelas?"

"shempre hindi noh. duh."

"eh bakit ka nakabra? WHAHAHAHAHA!!!"

ouch. tagos sa buto ang saket.

minsan naman, naisipan kong gumanti.

"ian, sinagot ka na ba ni fatima?"

"hindi nga eh"

"ay, kawawa naman... BASTED!"

"ayos lang... ikaw nga eh, BUSTLESS! WHAHAHAHAHA!!!"


sa paglipas ng panahon, medyo natanggap ko na rin naman na hindi na talaga sila lalaki pa. na hindi ko talaga mafi-fill ang cup ng smallest size na available sa mall. na kailangan kong magpanggap for the rest of my life by wearing every imaginable foam-padded contraption possible.

(i know, kung meron mang nagkakacrush sa malasupermodel kong katawan at sa kaakit-akit kong "cleavage" e malamang naturn-off na sha ngayon.)

pero nitong mga nakaraang araw, parang sinusubukan ni hudas ang pasensya ko. nung nagmedical exam kasi ako sa unilever, nadetect na meron akong lump sa breast.

actually, matagal ko nang alam na meron ako nun. matagal ko na rin shang nafi-feel. hindi ko lang pinapansin.

siguro dahil nagwiwish ako noon na miraculously eh bigla na lang shang mawawala. magdidissolve. maglalaho na parang hershey's kisses na naiwan sa tapat ng tv.

pero hindi pala.

kaya nga kinabahan ako talaga nung inexamine ng company doctor yung boobies ko. alam ko kasi na madedetect nya yun. at nadetect nya nga. kaya pinakuha nya ko ng surgical evaluation mula sa ibang doctor.

ang una naming pinuntahan ni mama e yung family doctor/friend namin. si dr. gavino. oo, dr. hindi dra. at naghubad ako sa harap nya. pero ok lang. ginawa ko na rin naman yun before for an ecg. nandun pa nga yung anak nyang si karen na nagdodoctor din. sabi nya, napakaliit naman daw ng breasts ko. and napakaliit lang din naman nung lump. ginawan nya ako ng medical certificate. nakalagay dun na hindi naman daw kailangang operahan for now. ang boobies ko eh sadyang underdeveloped at shatty lang. whatever that means.

akala ko eh ok na yung certificate na yun. pero hindi pa pala. sabi nung company doctor, sa surgeon daw ako magpunta. kaya go naman ako ulit sa hospital. mag-isa. at dahil wala naman akong kilalang surgeon eh nagtanong na lang ako sa guy sa front desk. dr. j.r. galang daw. dr. na naman. walang available na doktora.

at this point, nagmistulang mardi gras na ang buhay ko. dinaig ko pa yata ang mga bakla sa carnivale sa rio. dahil lahat na yata ng tao e na-flash-an ko na ng boobs ko.

isa na dito ay yung assistant ni dr. galang. pinahiga nya ko sa bed at tinulungang magtaas ng shirt at bra.

"nako! napakaliit naman pala ng breasts mo! akalain mong tinubuan pa pala yan ng lump!"

tinawag nya na yung doktor. pagkatapos ng ilang minutong hipuan at salatan e ginawan nya ko ng referral. magpapabreast ultrasound daw ako.

kinabukasan, 10 am, pumunta ako sa radiology department. naghintay-hintay ng konti hanggang matapos ang mga buntis na nauna. napagkamalan pa nga akong buntis din. pagtawag sakin, pinapasok ako sa loob ng isang room na thank God e dim ang lighting. pinaghubad. pinagsuot ng gown. at pinahiga. right breast daw muna, sabi nung girl na ultra sounder. so nilagyan nya ng gel ang aking dede. at dinaanan ng magic wand na parang may roller sa dulo. paulit-ulit. tapos, yung left naman.

akala ko e dito na magtatapos ang lahat. but no. nakakunot ang noo ng ultra sounder. lumabas. may mga kinausap. pagbalik eh may dala nang reinforcement. lalaking doktor. nakakunot din ang noo. kung di ka ba naman talaga kabahan at pagpawisan ng malamig.

hala. sige. dinagdagan pa ang gel at nagpatuloy na naman ang pagpoprobe at pagpapagulong-gulong. at may binabanggit pa silang 9 o'clock zone b chuvanescence na hindi ko naman maintindihan.

habang nangyayari to, naisip ko na napaka-unromantic ng buhay ko. kasi, maraming babae dyan na sexy ang experience nang unang mahawak-hawakan ng lalaki ang boobs nila. at malamang, ang iniisip nila o sinasabi nun e "yeah baby... sinong nanay moh?!!!" samantalang ako, nakacross ang fingers at nagdarasal na "Lord. please. not. cancer." haller, yung last boyfriend ko nga eh hanggang sa noo lang ako nahalikan.

ang resulta? hindi pa naman daw ako mamamatay. at hindi rin naman daw sha cancer. ako daw e merong mga cystS.

hindi isa. hindi dalawa. tatlo. pero hindi pa naman daw kailangang operahan.

kung susumahin, walong tao na na hindi ko kapamilya ang nakakita ng boobs. lima dun eh hindi ko alam ang pangalan. apat ang mapanglait na nagsabi na napakaliit ng boobs ko. tatlo ang lalaki.

pero ang kinasasama ng loob ko... ang pinakamasaklap sa lahat... matapos nilang masilayan,laitin, hipu-hipuin, pahiram ng lubricant at pagulungan ng magic wand ang boobs ko, ako pa, ako pa ang nagbayad sa kanila.

Friday, April 08, 2005 @ 10:40 AM


driving lessons part 3

teacher: stop tayo. clutch, brake...
doray: (steps on the brake a little too much, lunges forward) oooops...
teacher: konting brake lang. gusto mo yata akong masubsob eh!

while driving in front of a church...

teacher: (sings along to a cd) fuck what i said it don't mean shit now, fuck the presents might as well throw them out... (makes the sign of the cross) fuck all the kisses they didnt mean jack, fuck you, you ho' i dont want you back!
doray: (shakes head slightly)
teacher: hehe, ang bad nung song noh, pero may story naman kasi yan eh. niloko sha nung babae... (continues singing)
doray: aah... (nods head slightly)

while cruising along d. tuazon...

teacher: ang ganda pala ng mata mo noh...
doray: (blink, blink)
teacher: hindi nga. pero yung mata lang ah... siguro may lahi kayong indian.
doray: wala ah.
teacher: oows? harap ka nga dito sandali.
doray: hindi pwede mababangga tayo.

after five more minutes of driving...

doray: (brakes to stop at an intersection, lunges forward again)
teacher: sa susunod, pag alam kong ikaw student ko iinom na ko ng bonamine.
doray: sorry...

Monday, April 04, 2005 @ 12:40 AM


a bump in the road

a bump lump in the road
a bump lump in the my road
a bump lump in the my road boob

Friday, April 01, 2005 @ 10:53 PM




licensed chemical engineer
shopaholic
twentyish
manila





bigger boobies!!!


oh, and um, world peace




... for a little while,
but only for a little while.
because i've learned that
love was rare and love was fleeting.
and you take it where you find it,
not letting yourself have regrets.
and you keep it as long as you could,
which was always never long enough...


girls are like apples on trees.
the best ones are at the top of the tree.
the boys don't want
to reach for the good ones
because they're afraid of
falling and getting hurt.
instead they just get the rotten apples
that are on the ground,
that aren't as good,
but easy.
so the apples at the top think that
there is something wrong with them,
when in reality, they are amazing.
that is why we just have to
be a little patient,
and the right boy,
the one who takes a chance
to find the good, right apple,
will come someday...




naberrie
d1mae
carol
wobbie
woofy
lagsh
tequilamockingbird
witt and wisdom
sourbob
warrior of the light
blogger
blogskins
shoutbox




online



January 2004
February 2004
March 2004
April 2004
May 2004
June 2004
July 2004
August 2004
September 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
January 2007
February 2007
September 2007