Friday ngayon

Kaya nagsimba kami ni mama sa Quiapo.

Oo, sa simbahan ng Quiapo. The home of the original Black Nazarene.

Bakit kamo?

Dahil libre doon ang sauna. And, according to a very reliable source, iyon din ang pinakamabisang paraan para mahawa ng iba't-ibang uri ng sakit gaya ng ubo, sipon, sore eyes, tigdas, ketong at dandruff. Bukod pa sa mga nabanggit na dahilan, kakaiba din ang experience ng pagpunta sa Quiapo. Akalain mo, ang mga sampaguita vendors nila e hindi nagtitinda kapag hindi naka-pin ang ID! Doon, makakasalamuha mo rin ang masang Pilipino na malamang e bumoto kay FPJ nung nakaraang eleksyon. Na pagkatapos magsimba ay nagpapahula sa mga manang sa gilid ng simbahan gamit ang crystal balls, tarot cards at mga peklat sa palad. O kaya ay bumibili ng mga boteng flat o lapad na may nakasulat na PAMPA-R*GLA sa harap. Na akala ko dati e para sa mga baklang gustong maging babae dahil lalaki ang una kong nakitang bumili nun. Pero hindi pala.

So ayun nga, nagsimba kami.

Medyo kakaiba pala dun. Kasi after every mass e magsi-sprinkle ng holy water ang pari. Kaya naman pagkatapos ng communion e nagsisiksikan papunta sa harap ang mga tao. Dahil feeling yata nila e hindi diringgin ni Lord ang mga prayers nila pag hindi sila nawisikan ng tubig.

At eto pa, habang nagwiwisik ng tubig ang pari at kinakanta ang special song for the black nazarene, kailangan e itaas mo ang iyong mga kamay. Kung iniisip mo na ito ay tulad lamang ng ginagawa ni Bro. Eddie o ng mga El Shaddai people, nagkakamali ka. Dahil iba ang mga tao sa Quiapo. Meron silang dalang mga props.

At sa aking pagmamasidmasid kanina, ito ang top ten props na napansin kong inihanda nila.

1. prayer book/copy ng novena/rosary
2. statue ng Black Nazarene, Virgin Mary o Sto. Nino (kahit mabigat, why not?)
3. mga estampita/kwintas na ititinda mamaya (para pwede nilang sabihin sa mga bibili na napa-bless na to)
4. long brown envelope w/ plastic cover (mga magboboard exam na umaasang papasa
pag nabendisyunan ang lapis)
5. shoulder bag (at sino ang makapagsasabi na fake ang prada ko?)
6. wallet (sana miraculously e magkaroon ng laman)
7. ticket ng lotto (jackpot!)
8. passport (sana po matuloy ang pagjajapan ko)
9. celfone (mahina ang signal dito)
10. siopao sa loob ng green na plastic (tsalap!)

Friday, August 27, 2004 @ 11:27 PM


"mommy, nakita mo ba yung blue slippers ko?"

"ha?"

"yung blue na slippers... nandito lang yung kanina eh..."

"di ba nilabhan mo?"

"opo. pero ipinasok ko na yun e. nilagay ko sa ilalim ng study table ko."

"o, eh bakit nawala?"

Posted by Hello

Saturday, August 14, 2004 @ 1:33 AM




licensed chemical engineer
shopaholic
twentyish
manila





bigger boobies!!!


oh, and um, world peace




... for a little while,
but only for a little while.
because i've learned that
love was rare and love was fleeting.
and you take it where you find it,
not letting yourself have regrets.
and you keep it as long as you could,
which was always never long enough...


girls are like apples on trees.
the best ones are at the top of the tree.
the boys don't want
to reach for the good ones
because they're afraid of
falling and getting hurt.
instead they just get the rotten apples
that are on the ground,
that aren't as good,
but easy.
so the apples at the top think that
there is something wrong with them,
when in reality, they are amazing.
that is why we just have to
be a little patient,
and the right boy,
the one who takes a chance
to find the good, right apple,
will come someday...




naberrie
d1mae
carol
wobbie
woofy
lagsh
tequilamockingbird
witt and wisdom
sourbob
warrior of the light
blogger
blogskins
shoutbox




online



January 2004
February 2004
March 2004
April 2004
May 2004
June 2004
July 2004
August 2004
September 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
January 2007
February 2007
September 2007